Kanselado ang biyahe sa Paris ni NBA legend Kobe Bryant dahil sa naganap na Nice terror attack noong nakaraang linggo.
Nakatakda sanang pangunahan ng dating Los Angeles Lakers Star ang Streetball Tournament sa Hulyo 23 at 24 sa Southeast of Paris.
Nalungkot naman ang Mayor’s Office ng Paris dahil sa mga paghahandang ginawa nila para sa nasabing okasyon at ang pagpapatupad ng mahigpit na security.
Magugunitang 84 katao ang napatay matapos na sagasaan ng isang truck ang mga taong nanonood ng Bastille Day sa Nice Paris.
By Mariboy Ysibido