Nilinaw ng University of California sa Los Angeles ang dahilan kung bakit hindi na nila kinuha si Filipino rising basketball star Kobe Paras.
Sa inilabas na statement ng UCLA, mayroong hindi naabot na requirement ang 18-anyos na basketball star.
Nagkaroon ng problema ang score ni Paras sa scholastic assessment test (SAT) kahit na consistent naman itong honor student.
Sinabi naman ng mga coaches niya sa Middlebrooks Academy na academically eligible si Paras na makapaglaro sa NCAA Division 1 Program.
Pinili naman ni Paras na manahimik na lamang sa nasabing isyu.
By Mariboy Ysibido