Opisyal nang nahalal bilang bagong Senate President si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.
Sa pagbubukas ng 17th Congress, nakakuha si Pimentel ng 20 boto mula sa 23 senador na present sa session hall.
Ninomina ni Senator Tito Sotto si Pimentel na sinegundahan naman ni Senator Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri.
Sa naging talumpati ni Pimentel, binigyang diin nito na susuportahan ng senado ang isinusulong na pederalismo ng gobyernong Duterte, paglaban kontra droga at krimen, tax reform programs at marami pang iba.
Bahagi ng pahayag ni Senate President Koko Pimentel
Tiniyak din ni Pimentel na magiging patas siya sa lahat sa pagkamit ng mga pagbabago.
Bahagi ng pahayag ni Senate President Koko Pimentel
Samantala, otomatiko nang naging minority leader sa senado si Senator Ralph Recto, nahalal namang majority leader si Senator Tito Sotto at Senate President Pro-Tempore naman si Senator Franklin Drilon.
Photo Credit: sherwin gatchalian/twitter