Binisita ni 25th Chief of the Philippine National Police, PGen. Debold Sinas ang Western Mindanao Command (WestMinCom) sa Zamboanga nitong linggo bilang pagpapalakas sa magandang ugnayan ng pambansang polisya at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinalubong ng full military honors si Sinas na ginanap sa Command headquarters sa Camp Navarro, Calarian Zamboanga City sa pangunguna ni WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr.
Nagkaroon ng maikling dayalogo ang 2 lider ng PNP at sandatahang lakas ng bansa sa Bautista Lounge Command kung saan ito kapwa nagpahayag ng pagsuporta sa isa’t isa .
Lubos namang nagpasalamat ang hepe ng PNP kay Lt. Gen.Vinluan sa mainit nitong pagtanggap at pagsuporta sa layunin at misyon ng kapulisan.—sa panulat ni Agustina Nolasco