Lagpas pa kaysa inaasahan ng Bureau of Customs ang naging koleksyon nito para sa buwan ng Nobyembre.
Una nang nagtakda ng target na 36.4 Billion Pesos ang ahensya ngunit mas mataas pa ng 12% ang kinita noong nakaraang buwan na umabot sa 40.2 Billion Pesos.
Mas mataas din ng 27% ang nasabing koleksyon kumpara sa nakolekta sa parehong panahon noong isang taon.
Iniugnay ng financial services ng customs ang nasabing magandang kita sa positive trust rating ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon, pakikipagtulungan ng mga stakeholder, tapat na mga transaksyon, at mga pagsusumikap ng mga mangangalakal na malagpasan pa ang revenue goals ng Customs.
By: Avee Devierte