Umabot sa P118-B ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) mula sa Duties and Taxes sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon na galing sa nine billion liters ng marked fuel.
Alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train Law), kailangang isagawa ang fuel marking upang mabawasan ang talamak na Oil smuggling sa bansa.
Sa pamamagitan nito agad na malalaman ng pamahalaan kung dumaan sa tamang proseso ng pagbabayad ng buwis ang mga dumadating na imported fuel.
Ayon sa BOC, na naka-base ang kanilang hakbangin na ito sa pagnanais na masugpo ang illegal oil trading at makolekta ang rightful duties and taxes na para sa gobyerno.