Aabot sa P145-bilyon ang tinatayang mawawala sa koleksyon sa buwis ng pamahalaan.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), epekto ito ng isang buwang extension na ibinigay nila sa paghahain ng annual income tax return.
Dahil dito, posible umanong dagdagan ng pamahalaan ang pangungutang nito upang punan ang kakulangan sa koleksyon ng buwis.
Umapela ang BIR sa mga nakapagsimula na sa proseso ng pagbabayad ng buwis na ipagpatuloy lamang ito sa pamamagitan ng mga mekanismo na maaaring magamit tulad ng online filing at ibat ibang payment platforms.