Inaasahan ng Department of Finance ang epekto ng coronavirus disease 2019 (COVId-19) pandemic sa koleksyon ng buwis ngayong taon.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na ang kanilang orihinal na target na tax revenue para ngayong taon ay P3.424 trillion ngunit binaba na nila ito sa P2.2 trillion.
Gayunman, sa halip na magtipid aniya para maging solusyon ay gumastos pa ang gobyerno upang maibalik ang paglago ng ekonomiya.
Ayon kay Dominguez ang mahalaga sa ngayon ay maibalik ang kumpiyansa ng publiko na bubuti na ang sitwasyon ng bansa upang magsimula na muling gumastos. — ulat mula kay Cely-Ortega Bueno (Patrol19)