Lumobo ang koleksyon ng Pag-IBIG fund sa unang anim na buwan ngayong taon sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Pag-IBIG fund Spokesperson Kalin Franco-Garcia, tumaas sa 13-M ang mga aktibong Pag-IBIG member ngayong 2021 kumpara sa 12-M noong 2020.
Umabot anya sa P13-B ang kontribusyon sa voluntary savings program mula Enero hanggang Hunyo 2021, mas mataas ng 113% kumpara sa koleksyon noong nakalipas na taon.
Indikasyon anya ito na naka-rerekober na ang bansa dahil sa dami ng mga naghuhulog sa Pag-IBIG fund.
Una nang binanggit ng Pag-IBIG na tumaas sa P20-B ang nai-release na pera para sa kontribusyon sa gitna ng pandemya. —sa panulat ni Drew Nacino base sa sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)