Lumago ang koleksyon ng Social Security System (SSS) mula sa mga employer at miyembro sa Visayas, noong isang taon.
Umakyat sa P12.5 billion pesos ang kontribusyon ng mga miyembro at employer sa Visayas sa nasabing panahon kumpara sa P10.9 billion pesos noong 2014.
Ayon kay SSS Senior Vice President for Visayas Operations Group Helen Solito, indikasyon ito na epektibo ang kasalukuyang inisyatibo sa pagpapatupad ng mas mahigpit na polisiya.
Samantala, lumago rin anya ang kontribusyon ng mga self-employed at voluntary members sa Visayas na aabot sa P1.9 billion noong 2015 kumpara sa P1.6 billion pesos noong 2014.
By Drew Nacino