Nahigitan pa ng Bureau Of Customs (BOC) ang target collection nito sa unang buwan ng 2021.
Ito ay sa kabila ng nagpapatuloy pa ring epekto ng COVID-19 sa pangkalahatang sitwasyon ng kalakalan.
Batay sa datos ng BOC, umabot sa P47.143 bilyon ang kanilang nakolektang buwis nitong Enero.
Halos 7% mataas sa target nilang P44.092 bilyon.
Alinsunod din sa kanilang financial service, 11 sa 17 nilang collection districts ang nakakolekta ng higit sa kanilang target nitong Enero.
Kabilang dito ang ports of Manila, NAIA, Batangas, Legazpi, Iloilo, Tacloban, Cagayan De Oro, Zamboanga, Davao, Subic at Clark.