Patay ang isang kolumnista matapos na pagbabarilin ng mga kalalakihang sakay ng motorsiklo sa Milagros, Masbate kahapon.
Ayon kay Milagros Police Commander Chief Insp. Leus Anselmo Prima, puno ng tama ng bala sa kanyang katawan si Joaquin Briones , 53-anyos isang kolumnista sa Remate tabloid at dating ding radio commentator.
Sakay ng kanyang motorsiklo ay tinabihan si Briones ng dalawang salarin na sakay ng pulang motorsiklo na walang plaka saka ito pinaputukan.
Narekober sa crime scene ang ilang empty shell ng .45 baril.
Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman sa kanyang pagiging mamamahayag ang ginawang pamamaslang kay Briones.
Si Briones ay kapatid ni Rey Briones, Publisher at Editor in Chief ng Pilipino Mirror.
By Rianne Briones