May panibagong reklamong kahaharapin ang beteranong actor na si Bill Cosby.
Ito ay matapos ilantad ng dating playboy model na si Victoria Valentino ang umano’y pando-droga at panggagahasa ng actor.
Ayon sa modelo, naganap ang insidente noong 1969 kung saan pinagsamantalahan siya matapos silang maghapunan.
Matatandaang nakalaya ang actor noong 2021 matapos na mabaligtad ang kasong sexual assault laban sa kaniya.