Aminado ang komedyanteng si Donita Nose na bago pa man siya maging bahagi ng nakakatuwang Don-Ekla tandem sa “Wowowin” ay dumanas din siya ng hirap sa buhay.
Sa episode ng “Sarap Diva” nitong nakaraang linggo, ibinahagi ng sikat na komedyante ang kanyang karanasan bilang isang janitor noong labimpitong (17) taong gulang pa lamang siya kung saan aniya’y halos lugaw na lang ang kinakain nila araw-araw.
Ayon kay Donita Nose, kahit hindi madali ang hanap-buhay na pinasok niya, nagpapasalamat siya dahil naging mabait at mapagmalasakit ang kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Si Donita Nose ay mapapanood araw-araw bilang isa sa mga host ng Kapuso variety show na “Wowowin.”
By Jelbert Perdez