Hindi maitago ng Star Magic comedienne na si Kitkat ang paghanga sa kapuso noontime show na Eat Bulaga.
Sa katunayan sinabi ni Kitkat na noon pa man ay nais niya nang mapabilang sa naturang noontime show at maging isa sa mga dabarkads.
Kwento pa ni Kitkat, pangarap niya magmula pagkabata ang makasama sa Eat Bulaga kaya’t bata pa lamang ay ilang beses na aniya siyang sumali sa Little Miss Philippines.
Naniniwala si Kitkat na pang habangbuhay kasi ang trabaho at samahan sa Eat Bulaga na tipong kahit sa iyong pagtanda ay bahagi ka pa rin aniya ng programa.
By: Ralph Obina