Isang komedyante na walang karanasan sa pulitika ang nagwagi bilang bagong pangulo ng Ukraine.
Nakuha ng komedyanteng si Volodymyr Zelensky ang pitumpu’t tatlong porsyento (73%) ng mga boto kumpara sa dalawampu’t apat na porsyento (24%) na nakuhang boto lang ng kalabang si Petro Poroshenko.
Hindi inaasahan ang resulta ng kampanya na nagsimula lamang sa biro ngunit pagpapahayag ito ng matinding frustration ng mga tao dahil sa social injustice, korupsyon at digmaan na kumitil sa buhay ng may labing tatlong libong buhay.
Matapos ang landslide victory, nangako naman si Zolensky na hindi niya bibiguin ang kanyang mga taga-suporta at asahan aniyang lahat ng bagay ay posible.