Hindi kailangang sumagot ang gobyerno sa pahayag ni International Criminal Court Prosecutor Karim Khan na nagsabing walang merito ang mga argumento ng Pilipinas sa drug war.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa tanong kung dapat bang tumugon ang gobyerno ng Pilipinas sa pahayag ng ICC prosecutor.
Ayon kay Remulla, hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas at wala nang hurisdiksyon sa bansa ang nasabing korte.
Mayroon naman anyang umiiral na demokrasya at sistema ng hustisya ang bansa at walang otoridad ang ICC na pilitin ang Pilipinas na lumahok sa imbestigasyon.
Iginiit ng kalihim na isinumite na rin ang mga kaukulang dokumento para lamang makatugon at hindi nangangahulugan na nagpapasakop ang pilipinas otoridad ng ICC.