Plantsado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng 25 indibiduwal na magiging miyembro ng Con-Com o Constitutional Commission.
Kasunod ito ng ginanap na LEDAC o Legislative-Executive Development Advisory Council meeting sa Malacañang.
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, kabilang sa naturang listahan ay sina retired Chief Justice Reynato Puno at dating Senate President Aquilino Nene Pimentel.
Aniya, posibleng anumang oras ay magsimula na sa kanilang trabaho ang binuong Con-Com para ilatag ang panukalang batas para amyendahan ang konstitusyon.
Kabilang sa isinusulong ng administrasyong Duterte ay gawing pederalismo ang gobyerno ng bansa.
By Rianne Briones