Pinag-aaralan pa ng senado kung aling komite ang hahawak sa muling pagbubukas ng imbestigasyon hinggil sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ito’y makaraan ang ginawang pagpapalabnaw ng Korte sa homicide mula sa murder ang isinampang kaso laban kay CIDG Region 8 Director Supt. Marvin Marcos at sa 19 na kasamahan nito.
Ayon kay Senador Richard Gordon, kaniyang kokonsultahin si Senate President Koko Pimentel kung alin sa kaniyang pinamumunuang Blue Ribbon o Justice Committee ang siyang hahawak ng re-investigation.
Maaari naman kasing magpatawag ng pagdinig ng Blue Ribbon anumang oras kung sila ang aatasan na mag-imbestiga Motu Propio habang kailangan pang hintayin ang muling pagubukas ng sesyon ng Kongreso sa Hulyo kung ang Justice Committee naman ang hahawak nito.
Gayunman, sinabi ni Gordon na kailangan pa munang maghanap ng magandang tiyempo para marinig ng publiko ang paliwanag ng Department of Justice hinggil sa kaso dahil sa mayruon pang krisis na kinahaharap ang bansa partikular na sa Marawi City.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Komite na hahawak sa muling pagbuhay sa imbestigasyon hinggil sa Espinosa killing idaraan pa sa konsultasyon was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882