Bumuo na ang COMELEC ng kumite na tututok o magmomonitor sa in-person campaign ng mga kandidato sa 2022 elections.
Ayon kay Elaiza Sabile-David, Director 3 ng COMELEC Education and Information Department, ang binuong campaign committee ay mula sa National, Regional, Provincial, City at Municipal level.
Ang patakaran anya sa in-person campaign ay alinsunod pa rin sa Inter-Agency Task Force at alert level status ng isang lugar.
Ang pagdarausan ng Caucus, Convention o pulong na papayagan ay nakadepende sa alert level status.
Babantayan ng kumite ang pagtalima ng mga kandidato sa panuntunan ng in-person campaign at dahil nasa gitna pa ng COVID pandemic, ipinaalala ng poll body na hindi pa maaaring gawin ang nakagawian tuwing panahon ng kampanya.