Maaring magsagawa ng pagdinig ang mga komite sa senado kahit na naka break ang sesyon.
Ito ay matapos i-adapt ang Senate Resolution 330, na inihain ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto.
Ang resolusyon ay nagpapahintulot sa mga komite na magpulong, magsagawa ng konsultasyon o kaya ay magsagawa ng pagdinig at magpa subpoena ng mga tao o dokumentong kakailanganin.
Sinabi ni Sotto na layunin nitong magkaroon ng continuity sa pagtalakay ng mga nakabinbing panukalang batas at maisulong ang mga kinakailangang lehislasyon .
Muling magbubukas ang regular na sesyon ng senado sa Mayo 2.
By Katrina Valle |With Report from Cely Bueno