Wala pang pinal na desisyon hinggil sa komite sa Senado na hahawak sa pagdinig ng mga ibnunyag ni retired SPO3 Arthur Lascanias laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang usapin ay una nang ini refer sa senate public order committee na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson matapos ang manifestation ni Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi ni Lacson na uubrang i apela sa loob ng 48 oras ang desisyon ng committee assignment hinggil sa nasabing usapin.
Nuong Martes lamang aniya napagpasyahan na ituloy ang inquiry sa ibinunyag ni Lascanias matapos sampung Senador ang pumabor dito, pitong ang kumontra at lima ang nag abstain kabilang siya.
By: Judith Larino / Cely Bueno