Binubuo na sa Senado ang Committee on Livelihood na tutulong sa mga magsasaka sa Marawi City na hanggang ngayon ay hindi pa rin naabutan ng tulong.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, Chairman ng Senate Committee on Agrarian Reform, layunin nito na tuluyang makabangon ang mga apektadong magsasaka sa naturang lungsod.
Aniya, nakahanda na ang Department of Agriculture na magbigay ng ayuda sa sakahan ng mga magsasaka upang makagawa sila ng pagkain para sa mga babalik na evacuees.
Sa ngayon, inaantay muna ng DA ang pahintulot mula sa militar upang mabigyan na agad ng tulong at bumalik na sa normal ang buhay ng mga apektadong magsasaka sa Marawi.
By Arianne Palma