Bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng oversight committee para tumutok sa pagpasok ng third telecommunications company sa bansa.
Ayon sa Pangulo, ang pagpasok ng ikatlong telco sa bansa ay isang national interest at prayoridad ng gobyerno na mabigyan ng maaasahan, mura at secured na telecommunications services ang publiko.
Pangungunahan ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang komite kasama ang Department of Finance, Office of the Executive Secretary at National Security Adviser.
Layon nitong tulungan ang National Telecommunications Commission o NTC sa pagbuo ng terms of reference para sa pagpili at pagtatalaga ng gagamitin radio frequency ng bagong telco.
Siniguro ng DICT na gagawin nila ang anunsyo ukol sa pagpasok ng bagong telco player bago ang State of the Nation Address o SONA ng Pangulo.
—-