Aminado ang Human Rights Victims Claims Board na mahaba pa ang ipaghihintay ng mga human rights victims bago makakuha ng kompensasyon.
Ayon kay retired Chief Supt. Lina Sarmiento, Chairperson ng HRVCB, sa mahigit 75,000 aplikasyon na kanilang tinanggap halos 12,000 pa lamang ang kanilang nasusuri.
Ipinaliwanag ni Sarmiento na matagal ang ginagawa nilang deliberasyon dahil mahirap patunayan ang mga alegasyon ng mga biktima tulad ng torture dahil sa napakaraming taon na ang lumipas.
Bahagi ng pahayag ni HRVCB Chairperson Lina Sarmiento
Kasabay nito, sinabi ni Lina na maging ang mga biktima na sumakabilang buhay na ay puwede pa ring makakuha ng kompensasyon.
Kailangan lamang anyang magsumite ng death certificate at power of attorney ang kinatawan ng mga tagapagmana ng biktima.
Ayon kay Lina, hindi pantay-pantay ang matatanggap na kompensasyon ng biktima dahil binibigyan ng puntos kung gaano kalala ang kanilang dinanas o naging karanasan.
Bahagi ng pahayag ni HRVCB Chairperson Lina Sarmiento
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas