Sinimulan nang ipamahagi kahapon ang kompensasyon sa unang batch ng human rights victims sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang nabanggit na kompensasyon ay maaaring makuha sa pamamagitan ng Land Bank at matatanggap ito ng buwanan.
Ang unang batch, ayon kay Abella ay magmumula sa Metro Manila habang maglalabas ng schedule para naman sa mga biktima ng Martial Law sa mga lalawigan.
Una rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang HRVCB o Human Rights Victims’ Claims Board na bilisan ang evaluation process at pagpapalabas ng claims ng mga Martial Law victim.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping