Kumpleto na ang komposisyon ng Expanded Bangsamoro Transition Commission na babalangkas sa bagong batas para sa Bangsamoro.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza bilang bahagi ng implementation process ng Bangsamoro Comprehensive Agreement na pinirmahan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front noong March 2014.
Ang pagpapalabas sa pangalan ng 21 kakatawan sa Bangsamoro Transition Commission ang magiging hudyat para magsimula na ng trabaho para sa Bangsamoro law na titiyak sa genuine political autonomy sa mamamayan sa Mindanao.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping