Tiwala ang mga pasahero sa EDSA Busway Carousel na dadami at mabilis nang makakarating sa mga istasyon ang mga bus ngayong may bayad na rito.
Magugunitang epektibo kahapon ang P15.00 na minimum na pasahe, P75.50 naman mula Monumento hanggang PITX habang P73.00 mula PITX hanggang Monumento.
Ayon sa mga pasahero, nasanay na silang sumakay sa EDSA Busway dahil mas mabilis ito kaya’t kahit may bayad na ay tatangkilikin pa rin nila ito.
Ipinabatid naman ng LTFRB na nasa kabuuang 550 public utility buses ang tatakbo mula sa dalawang consortia at uubrang mag operate sa EDSA Busway na kailangan pang mag apply ng fare matrix/guide para makasingil ng bayad.