Hindi pa masabi ng Philippine National Police o PNP kung may kaugnayan ang pagkawala ng mga sabungero sa nangyaring barilan sa Calatagan Cockpit Arena sa Batangas na ikinasawi ng 1 Pulis at 3 suspek.
Kaya naman ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo ay hindi pa nila isinasara ang kaso lalo’t may ikinakasa nang pulong sa pagitan ng Calatagan Municipal Police Station at ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.
Kung pagbabatayan kasi aniya ang naturang krimen, hindi naman mga sabungero ang itinutumba ng 3 napatay na suspek kaya’t hindi nila ito maikonekta sa pagkawala naman ng mga sabungero.
Aniya, itiuturing na gun for hire ang 3 kung saan ang huli nilang target ay ang administrador ng sabungan na isa rin palang konsehal ng bayan.
Marso a-12 nang rumesponde ang Calatagan Police sa naturang sabungan dahil sa presensya ng mga armadong lalaki na siyang nagpaputok agad sa mga Pulis na mitsa ng madugong engkwentro. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)