Humiling ng refund si 1st District Isabela Rep. Rodolfo Albano III sa Land Transportation Office o LTO.
Ayon kay Albano, dapat isoli ng LTO ang P450 na siningil sa mga may-ari ng sasakyan na sapilitang pinabili ng mga bagong plaka.
Sinabi ni albano na milyun-milyong car owners ang nabiktima ng raket na ito ng LTO.
Base sa natanggap na mga reklamo ng kongresista, tinakot umano ng LTO ang maraming car owners na hindi irerehistro ang kanilang sasakyan kung hindi bibili ang mga ito ng bagong plaka.
By Meann Tanbio