Palit puwesto ang mga kongresista at alkalde ng ibang lalawigan sa Halalan 2022.
Ito’y matapos maghain ng Certificate of Candidacy si Muntinlupa Representative Ruffy Biazon para kumandidato bilang alkalde kung saan tatakbo namang kongresista ng lungsod.
Si Biazon ay anak ni dating Senador Rodolfo Biazon, ang kasalukuyang vice chairperson ng House Committees on Appropriations at National Defense and Security.
Samantala, naghain din ng COC si Deputy Speaker Wes Gatchalian, para tumakbo bilang alkalde ng Valenzuela na pinamamahalaan ngayon ng kanyang kapatid na si Rex Gatchalian.
Tatakbo naman sa 2022 Elections si Rex bilang kongresista, kapalit ng kaniyang kapatid na si Wes.
Habang ang kanilang kapatid na si Sen. Sherwin Gatchalian ay Re-Electionist bilang senador sa naturang Halalan.