Nagpaalala si Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao kay Presidential Communications Operations Office o PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na maging maingat sa kanyang pagsasalita.
Ayon kay Casilao, dapat na baguhin ni Uson ang kanyang istilo sa pagsasalita sa social media para ipagtanggol ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, hindi dapat na magamit ang tanggapan ng Pangulo sa kanyang personal na interes.
Dapat na matutunan at isabuhay ng dating sexy dancer ang panuntunan na “public office is a public trust”.
Una nang itinalaga ng Pangulo si Uson bilang Board Member ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.
By Rianne Briones
Kongresista may paalala kay PCOO Asec Mocha Uson was last modified: May 12th, 2017 by DWIZ 882