Nagbabala ang isang kongresista laban sa di umano’y planong isabay sa 2019 midterm elections ang plebisito para sa pagbabago ng sistema ng pamahalaan tungo sa federalismo.
Ayon kay Congressman Fred Castro, siguradong hilaw ang kalalabasan ng pag-amyenda sa konstitusyon kung mamadaliin ito ng Kongreso.
Mas makakabuti aniya kung sa May 2022 na isagawa ang plebisito.
Sa 2022 pa lamang aniya magiging posible ang hirit na no-el o no elections ng ilang mga mambabatas dahil magsisilbi itong transition period para mabago ang sistema ng pamahalaan.
Normal lamang aniya ang no-el tulad rin nang ipatupad ang 1987 Constitution noong panahon ng yumaong pangulong Corazon Aquino.
—-