Hinimok ni 1 – Ang Edukasyon Partylist Representative Salvador Belaro Jr. si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Department of Foreign Affairs o DFA na gawing prayoridad ng ‘foreign policy’ ng Pilipinas ang edukasyon.
Ayon kay Belaro, dapat gawing ‘key pillars’ at maging prayoridad na usapin ang edukasyon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Asia – Pacific Economic Cooperation (APEC) summits.
Binigyan – diin pa ni Belaro na mahalagang magkaroon ng education attaches sa iba’t ibang bansa para sa tuloy – tuloy na edukasyon ng mga Overseas Filipino Worker o OFW.
Maliban dito, ang education attaché aniya ang magiging responsable sa pagsasagawa ng professional commission licensure examinations at admission tests sa mga State Universities and College (SUC).