Inihirit ng isang kongresista sa Senado na bilisan ang pagpasa ng panukalang batas na nagsusulong na huwag nang patawan ng income at iba pang withholding taxes ang honoraria ng mga election servers tulad ng mga miyembro ng Board of Election Inspectors (BEIs).
Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro, ang pagpapataw ng buwis sa honoraria at allowances ng mga election service volunteers ay sumisira sa diwa at layunin ng Election Service Reform Act.
Matatandaang noong Agosto ay lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ang House Bill 9652 na nagbibigay ng income tax exemption sa kompensasyon ng mga election officers na karamihan ay mga guro.