Inuulan ng batikos mula sa mga netizen si ACTS-OFW Party-list Representative Aniceto “John” Bertiz makaraang kumalat sa social media ang video ng kanya umanong paglabag sa security protocol at pang-ha-harass sa isang personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang video clip sa Facebook page na bitcoin 101, nakitang dumaan si Bertiz sa metal detector sa NAIA Terminal 2 subalit tumanggi itong magtanggal ng sapatos.
Matapos nito ay ipinakita at ipinamukha ng kongresista ang kanyang ID sa screener na nakabantay sa metal detector sabay kuha sa ID naman ng airport personnel na kanyang hindi ibinalik.
Bukod dito, viral din sa social media ang sigawan nina Bertiz at Unifil-Migrante Chairman Eman Villanueva sa isang dayalogo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga OFW sa Hong Kong.
Tinalakay sa naturang pulong ang hirit ng mga OFW na tanggalin na ang 550 peso airport terminal fee.
—-