Balik-sesyon na ngayong araw na ito ang dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sa pagbubukas ng sesyon, nagpasa ang Kamara at Senado ng resolusyon para sa joint session kung saan magsisilbing NBOC o National Board of Canvassers ang Kongreso.
Bukas inaasahang maipapasa ng senado at kamara ang canvassing rules at magtatalaga na ng canvassing panel mula sa dalawang chamber.
House
Nakalatag na ang mga trabaho ng mga kongresista sa pagbabalik nila sa sesyon ngayong araw na ito.
Tiniyak ito ni House Majority Leader Neptali Gonzales III sa gitna ng pangamba ng publiko na mauwi sa wala o mabasura ang mga pending bill.
Sinabi ni Gonzales na tututukan muna nila ang ilang pending bills bago ang isyu nang napipintong pagpili sa bagong Speaker of the House.
Senate
Tiniyak ng senado na tututukan muna nila ang kanilang tungkulin bilang mga miyembro ng national board of canvassers na bibilang sa mga boto sa pangulo at pagka-pangalawang pangulo.
Ayon kay Senador Koko Pimentel, dating Chairman ng Senate Canvassing Panel, nais nilang maayos na maipatupad ang papel nila sa proklamasyon ng nanalong pangulo at pangalawang pangulo bago ayusin ang mga isyu sa senado.
Tinukoy Pimentel ang kanyang hangarin na na maging pangulo ng senado.
Maliban kay Pimentel, ilang senador naman ang nagtutulak kay Senador Tito Sotto para maging senate president upang mapanatili ang pagiging independent ng mataas na kapulungan.
By Judith Larino | Len Aguirre