Tuloy na ang nakatakdang pagbabalik sesyon ng mababang kapulungan ng Kongreso bukas, Mayo 4.
Ito ay sa kabila ng nagpapatuloy na pagi iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa.
Batay sa ipinalabas na guidelines ng Office of the House Secretary General hinggil sa operasyon ng kamara, magpapatupad lamang ng tinatawag na modified session.
Alinsunod dito, 25 mga mambabatas lamang ang papayagang personal na dumalo sa sesyon habang ang nalalabi ay sa pamamagitan ng videoconference.
Layunin ng pagsasagawa ng modified session ang magampanan ng House of Representative’s ang kanilang mandato gayundin ang magkaroon ng proteksyon para sa kanilang mga miyembro, empleyado at maging ng publiko.
Samantala, mahugpit naman ipatutupad ang physical distancing sa mga mambabatas na pisikal na dadalo sa session at iba pang mga papasok sa loob ng batasan.