Dapat tiyakin ng Kongreso na walang unconstitutional na nakapaloob sa ipapasang BBL para masigurong makakaya nitong tumayo sa anumang judicial review.
Ayon ito kay Senate Minority Floorleader Franklin Drilon dahil posibleng may kumuwestyon sa BBL sa Korte Suprema kapag naipasa na ito at naging ganap na batas.
Maraming amendments na isinulong si Drilon sa Senate Version ng panukalang BBL upang matiyak na hindi ito matutulad sa kinahinatnan ng Memorandum of Agreement on the Ancestral Domain na naideklarang unconstitutional ng high tribunal.
Sinabi ni Drilon na suportado niya ang panukalang BBL dahil mahalaga ito na matamo ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao kaya bilang mga mambabatas ay mahalagang ma garantiyahan na bawat salita na nakapaloob sa BBL ay makakapasa sa judicial review.