Pinayuhan ng Malacañang si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na hamunin ang kongreso na ipasa ang anti-political dynasty bill sa halip na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mali ang paghahamon ni Pangilinan dahil ang pagpapasa aniya ng batas ay tungkulin ng lehislatibo.
Kaya naman mas mainam umano kung ang kaniyang hahamunin ay kaniyang mga kasamahan sa senado at sa kamara para maipasa ang nasabing panukalang batas.
Una rito, sinabi ni Pangilinan na kung talagang nais ng pangulo na mabuwag ang oligarkiya sa bansa ay sesertipikahan niyang “urgent” ang pagpasa sa anti-dynasty bill.