Mali para sa isang mambabatas para magboluntaryo hinggil sa posibleng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Ito’y ayon kay Senador Francis Escudero bilang reaksyon sa pahayag ni Sen. JV Ejercito na posible ang martial law extension sa paniniwalang hirap ang mga tropa ng pamahalaan na tapusin ang krisis sa Marawi City.
Ayon kay Escudero, dahil sa tanging ang Pangulo lamang ang maaaring humirit ng extension sa pagpapatupad ng martial law sa ilalim ng saligang batas.
Maituturing aniya na pagsuko sa kapangyarihan at prerogative ng Kongreso kung ang isang miyembro nito ang siyang maghayag ng ideya bago pa man ito hingin ng Pangulo.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno