Walang pangangailangan para sa Kongreso na magconvene pa para talakayin ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte kung aprubado naman ito ng dalawang kapulungan.
Ito ang paniniwala ni dating Supreme Court Spokesman ngayo’y Administrator Atty. Jose Maidas Marquez nang sumalang ito sa pagtatanong ng JBC o Judicial and Bar Council.
Para kay Marquez, malinaw naman ang isinasaad ng Saligang Batas na magco-convene lamang ang dalawang kapulungan ng Kongreso kung may pangangailangan na i-revoke o bawiin ito.
Gayunman, binigyang diin ni Marquez na may kapangyarihan ang Korte Suprema na tukuyin kung may factual basis ang deklarasyon sa prosesong may isang sibilyan na hihiling nito.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo