Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan boboto sa special session ng Kongreso ang mga kongresista sa pamamagitan ng text messaging.
Mag se-set up rin ng online video conferencing ang Kamara upang makalahok sa deliberasyon sa special session na ipinatawag ng malakanyang upang talakayin ang supplemental budget para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Inaprubahan ng house leadership ang panukala na inilatag ni Cavite Cong. Elpidio Barzaga Jr.
Marami sa mga kongresista ang naka self-quarantine at nakauwi na sa kani kanilang distrito matapos mag break ang Kongreso at sa harap ng pagkamatay ng dalawang staff ng kamara dahil sa COVID-19.
Ayon kay Cong. Rufus Rodriguez, bagamat sinasabi sa konstitusyon na kailangan ang personal attendance kapag bumoboto sa mga panukalang batas, pinapayagan rin naman ang kongreso na bumuo ng sariling panuntunan sa kanilang proceedings.
Kailangan lamang anya ay maamyendahan ang kanilang rules bago ang special session.