Gahol na sa panahon ang kongreso para sa pagpasa ng panukalang batas na mag-aamyenda sa Oil Deregulation Law.
Ito ang inamin ni Senate President Tito Sotto matapos aprubahan ng House Committee on Energy ang panukalang batas na layuning amyendahan ang Downstream Oil Industry Deregulation Act o Oil Deregulation Law.
Inihayag naman ni Senator Panfilo Lacson na sa committee level pa lang inaprubahan ang naturang bill at kailangan pa itong i-report at maisalang sa plenary deliberations.
Bagaman salat na anya sa oras, dapat tingnan ng mga mambabatas kung gaano ka-urgent ang pagpasa sa nabanggit na panukala.
Kasalukuyang naka-adjourn ang kongreso at magbabalik-sesyon sa Mayo a–23 o matapos ang national at local elections. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)