Handa na ang Kongreso na ipasa ang 2016 proposed national budget sa Biyernes.
Ito ayon kay House Majority Floorleader Neptali Gonzales ay sa sandaling i-certify bilang urgent ng Pangulong Noynoy Aquino ang panukala.
Kasunod na rin ito aniya nang pagliham nila sa Pangulo para sa agarang paglusot ng budget sa ikatlo at huling pagbasa.
Sinabi ni Gonzales na inaasahan nilang matapos ang Undas ay wala na silang makukuhang sapat na quorum para maipasa ang panukalang 2016 budget.
Ipinabatid ni Gonzales na naipasa na ang budget ng Office of the President, Office of the Vice President at BIR.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)