Hihingi ng special session sa kongreso ang Pangulong Rodrigo Duterte upang maipasa ang Bayanihan To Heal As One 2.
Noong June 25 ay napaso na ang bisa ng Bayanihan To Heal As One Act kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na mare-align ng pondo para magamit sa pagresponde sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, halos tapos na ang negosasyon ng ehekutibo at ng kongreso hinggil sa ikalawang Bayanihan Act.
Kabilang sa nakapaloob sa Bayanihan 2 ang pondo para sa mas pinalawak na contract tracing na tinatayang nasa P17-B.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nangangailangan sila ng mahigit sa 76,000 contract tracers subalit mabagal ang hiring dahil sa isyu ng pondo.