Hinimok ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kongreso na kaagad ipasa ang panukalang mag-aamyenda sa Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Sa pagdinig ng house committee on banks and financial intermediaries, sinabi ni AMLC executive director Atty. Mel Georgie Racela na ang kabiguan na ma-amiyendahan ang AMLA ay maglalagay sa bansa sa grey-list jurisdiction at maaari ring maisama sa blacklist ng Financial Action Task Force (FATF).
Kapag napasama ang bansa sa grey-list, magkakaroon ng problema ang Pilipinas tulad na lamang ng pagtaas sa halaga ng transaksyon sa foreign finance institution borrowing rates at transaction fees.
Magpapabagal din ang grey-listing sa international trade kung saan bababa ang halaga ng remittance ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang pamilya habang tataas naman ang cost ng business gayundin ang production cost.
Sabi ng AMLC, kabilang sa mga kailangang isama sa amiyenda ang tax crimes gayundin ang proliferation financing sa ilalim ng AMLA.
Bukod dito, sinabi ni Racela na hindi rin kasama sa kasalukuyang batas ang real estate anti=money laundering at counter terrorism deficiencies.