Hinimok ni Congressman Rufus Rodriguez ang kongreso na bigyan ng temporary franchise ang ABS-CBN matapos na ipasara ng NTC.
Ayon kay Rodriguez maghahain siya ng joint resolution para sa temporary franchise ng ABS-CBN sa loob ng dalawang buwan o hanggang sa katapusan ng first regular session ng 18th congress sa June 30.
Tiwala aniya siyang mapapabilis ang pagdinig para sa temporary franchise ng Kapamilya network kahit pa sa pamamagitan lamang ng video conferencing.