Hinimok ng BI o Bureau of Immigration ang Kongreso na bumuo at magpasa ng bagong immigration law o charter na papalit sa lumang batas na pinagbabatayan ngayon ng ahensya.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, hindi na angkop sa kasalukuyang panahon ang ginagamit na Commonwealth Act 613 o Philippine Immigration Act of 1940 ng BI.
Paliwanag ni Morente, ang nasabing batas ay naipasa pa noong panahon ng Commonwealth kung kailan hindi pa nahaharap ang bansa sa mga problema sa human trafficking at terorismo.
Makabubuti rin aniya kung isasama sa bagong bubuuing immigration law ang salary scale ng mga kawani ng BI para maiwasan sa korapsyon at makasabay sa natatanggap na sweldo ng mga counterparts nito sa ibang mga bansa sa Asya.
Ang Commonwealth Act of 613 o Philippine Immigration Act of 1940 nakasalukuyang ginagamit ng BI ay naitatag pa noong Setyembre 3, 1940 sa panahon ng panunungkulan ni dating US President Franklin Roosevelt.