Iimbestigahan ng Kongreso ang di umanoy mabagal na repatriation ng mga Overseas Filipino Worker’s (OFW)’s na na apektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor, nais nilang malaman ang problema sa repatriation upang mabigyan ito ng solusyon.
Kabilang anya sa kanilang aalamin kung saan aspeto nagkakaruon ng problema tulad ng kakulangan ba ng chartered flights? O kung wala bang puedeng gamiting sariling barko ang bansa o kung kulang ba sa pondo.
Sinabi ni Defensor na aalamin rin nila kung bakit tila hindi makakapareho ang figures na ibinibigay ng ibat ibng ahensya ng pamahalaan kung ilan pa ang dapat na ma repatriate na OFW’s kasama na ang labi ng mga nasawi sa abroad.
Itinakda ng house committee on public accounts ang pagdinig sa Biyernes , Huinyo 26.